Musmos

Agaw Agimat

Di mo alam ang ngayon 
Wala ka pang kahapon 
Bukas mo'y hinuhubog ng ating panahon 

Di ka natatakot 
Sa aninong sumusunod 
Di mo naririnig bulong ng dilim sa isip 

Pagmasdan ang kabataan 
Walang takot - inuurungan 
Walang inggit, walang galit 
Pagmasdan kanyang pag-ibig 

Payapa na paligid 
Walang kaba sa'yong dibdib 
Payapa ang iyong isip 
Walang nadamang panganib 

Simple lang ang iyong nais 
Mahigpit na yakap 
Tamis ng halik 
Araw na tahimik 
Oras na puno ng pag ibig
Página 1 / 1

Letras e título
Acordes e artista

resetar configurações
OK