Mamaalam
Tala kong may ngiti
Saglit lamang
May huling habilin
Sa gitna ng 'yong paglalakbay
Sa dako mong ihihimlay
Dalhin ang payapa't
Pangakong wagas
Patawad
May lunas pa raw
Nananamlay mong diwa
S'yang may gamay
Ng malay mong tilang
Hiram
Itong minamat
Daang tinitimbang
Dala, tangi kong
Alay
Mamaalam
Sa mundong kay lupit
Sadya kayang
Nilihis ka sa pait
Sa gitna ng 'yong paghihimlay
Mangako kang maghihintay
Dalhin sa paglitis
Taglay na tamis
Paalam
Tenha acesso a benefícios exclusivos no App e no Site
Chega de anúncios
Badges exclusivas
Mais recursos no app do Afinador
Atendimento Prioritário
Aumente seu limite de lista
Ajude a produzir mais conteúdo