Nakabalot sa 'kin ang yong bisig Pero 'di mo ako yakap-yakap Nakabaling sa 'kin nang magising Pero 'di mo ako hanap-hanap Meron ba kong dapat malaman Baka naman pwede nating pag-usapan Hindi ko pa kayang aminin sa sarili 'Wag munang sabihin na Ito ang simula ng ating dulo Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso Hanggang dito na lang ang walang hanggan Ito ang simula ng ating dulo 'Wag ka munang umatras Puting bandila'y 'wag mo munang itaas At bitawan ang mga kinatatakutan kong Salitang nasa dulo ng 'yong dila Huwag mong ibulalas Magsinungaling ka sa 'kin Ulit-ulitin mong sabihing ako'y mahal mo pa Pinaniwalaan ko kahit 'di na totoo Kahit alam ko nang Ito ang simula ng ating dulo Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso Hanggang dito na lang ang walang hanggan Ito ang simula ng ating dulo Unti-unting bumibitaw Lumuluwag na ang 'yong kapit At damdamin mo'y lumalayo Lingunin mo naman ako At ang mga plano at pangako Na ngayo'y iiwanan mo Ganun pa man, walang nagbago Wala pa ring katulad ang iyong ganda Kahit nagpaalam na't nagsasabi na Ito na nga ang simula, ang simula ng ating dulo Ito ang simula ng ating dulo Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso Hanggang dito na lang (hanggang dito na lang) Ang walang hanggan (ang walang hanggan) Ito ang simula ng ating dulo Unti-unting bumibitaw Ang dating kakabit ng damdamin Dati sa 'kin 'di na matanaw Dulo, dulo, dulo Lingunin mo naman ako Ang karugtong ng aking puso Ba't tuluyan nang lumalayo? Dulo, dulo, dulo