Sa isang tingin ko lang agad ko nang napupuna Sa likod ng iyong ngiti at kung paano ka tumitig sakin Tulad ng unang bituing iyong matatanaw Sa nag-aambang dilim Buong ningning pa rin kahit makain Kinakailangan nga bang magtuos Wala tayong dapat simulan Ako'y kaharap mo't nandito ngayon Sabihin kung ika'y naguguluhan Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos Sa isang saglit lahat malilipol Di ko mahahayaan na walang magagawa Ayaw kitang lumuhang nag-iisa Pasensya na't ako'y muling nauutal Bumabagal ang pintig Humihinga naman ang aking dibdib Hayaan mong hawakan ko ang iyong kamay Upang mapawi ang lamig Kung may init pang nararamdaman Kailangan nating isiping lubos Ano nga bang ating dahilan Saan nga ba tayo nakatuon Kay rami ng mga nagdaan Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos Sa isang saglit lahat malilipol Di ko mahahayaan na walang magagawa Ayaw kitang lumuhang nag-iisa Kung meron lang ako ng pagkakataon Sabihin sa iyo ang lahat Kaya ngayon di na rin magtatagal Matatapos ang gabi't ang nagdaa'y di na mananatili Saan nga ba tayo nakatuon Ano nga bang ating dahilan Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos Sa isang saglit lahat malilipol Di ko mahahayaan na walang magagawa Ayaw kitang lumuhang nag-iisa Kung merong lang ako ng pagkakataon Kung merong lang ako ng pagkakataon Sabihin sa iyo ang lahat