at sa lamig ng umagang ito
naalala ko ang 'yong ngiti
na sumalubong sa ating tagpuan
nagkandarapang mga bituin
kung sino'ng unang babagsak
para ibigay ang ating tanging hinihiling
nakuha pa nating tumawa kahit umiiyak
ang tindi naman ng sinabi mo
sobrang bagay natin
puwede bang 'wag kang mag-alala?
kahit malayo ka sa akin
hindi naman nagbabago'ng nadarama
habang tumatagal, habang tumatagal
mas minamahal kita
at sa takbo ng awiting ito
sana'y maalala mo
ang bawat pangakong walang katapusan
hindi man natin ginusto
sa isa't isa ay malayo
manalig ka, kaya natin 'to
nakuha pa nating tumawa habang umiiyak
ang tindi naman ng sinabi mo
sobrang bagay natin
puwede bang 'wag kang mag-alala?
kahit malayo ka sa akin
hindi naman nagbabago'ng nadarama
habang tumatagal, habang tumatagal
mas minamahal kita
ikaw na muna'ng bahala sa mga bata
mga yakap at halik na 'di ko mapadala
sabi nila ang pag-ibig ay mahiwaga
kahit mahirap, masaya
sobrang bagay natin
puwede bang 'wag kang mag-alala?
kahit malayo ka sa akin
hindi naman nagbabago'ng nadarama
habang tumatagal, habang tumatagal
mas minamahal kita
mas minamahal
Mais de 15 cursos com aulas exclusivas, materiais didáticos e exercícios por R$49,90/mês.
Tenha acesso a benefícios exclusivos no App e no Site
Chega de anúncios
Mais recursos no app do Afinador
Atendimento Prioritário
Aumente seu limite de lista
Ajude a produzir mais conteúdo